PANDA National Helpline (Monday to Saturday) 1300 726 306

HomeFilipino

Ang PANDA ay maaaring makatulong. Tumawag tungkol sa iyo o sa sinumang kilala mo.

Bagong magulang o magkakaanak? Nag-aalala tungkol sa iyong nadarama?

Tseklist para sa Kalusugang Pangkaisipan

Tseklist para sa Kalusugang Pangkaisipan

Ang tseklist na ito ay may mga tanong na maaaring makatulong sa iyo upang maunawaan mo nang mas mabuti ang iyong nadarama, at kung maaari kang makinabang sa ekstrang suporta para sa iyong pangkaisipang kagalingan.

Magsimula

Tungkol sa PANDA

Pinatatakbo ng PANDA ang tanging espesyalistang Pambansang Helpline para sa mga tao na apektado ng perinatal na pagkabalisa at depresyon, at psychosis matapos manganak, at para sa mga humaharap sa mga hamon sa pagiging magulang.

Nagbibigay din kami ng kamalayan tungkol sa malubha at karaniwang karamdamang ito upang maunawaan ng mga naapektuhan kung ano ang nangyayari sa kanila at makahingi sila ng tulong.

“Noong ako ay nasa kalagitnaan nito, pakiramdam ko ay hindi na ako gagaling pa. Pero gumaling ako.”

MAY MAKUKUHANG MGA INTERPRETER

Ang PANDA ay may access sa mga interpreter upang suportahan ang mga hindi nakapagsasalita ng Ingles, o may kapansanan sa pandinig o pananalita.

“Walang nagsabi sa akin na ito ay maaaring mangyari kahit noong bago ko pa ipinanganak ang sanggol!”

Kailan kukuha ng tulong

Ang pagiging buntis o pagiging bagong magulang ay maaaring parehong nakakagalak at mapanghamon. Natural lang na mahirapang umakma sa mga pagbabago. Gayunpaman, kapag ang mga karaniwang mabuti at masamang mga pangyayari ay naging mas malubha, at tumatagal nang dalawang linggo o mahigit pa, oras na upang humingi ng tulong.

Karaniwan ang perinatal na pagkabalisa at depresyon

Isa sa limang magkakaanak o mga bagong ina, at isa sa sampung magkakaanak o mga bagong ama ang daranas ng perinatal na pagkabalisa o depresyon. Ito ay maaaring mangyari sa panahon ng pagbubuntis (antenatal) o sa unang taon matapos makapanganak (postnatal). Ang salitang 'perinatal' ay tumutukoy sa parehong pagbubuntis at sa unang taon matapos makapanganak.

“Ako'y nag-aalala tungkol sa aking partner, pero hindi niya ako gustong kausapin.”

Psychosis matapos manganak (postnatal psychosis)

Ang postnatal psychosis ay isang bihira ngunit malubhang karamdaman na umaapekto sa isa hanggang dalawang bagong mga ina sa bawat 1000 at maaaring maglagay sa panganib sa kapwa ina at sanggol. Ito ay kadalasang nangangailangan ng pagpapa-ospital. Ang mga sintomas ay madalas biglaang nangyayari at maaaring kabilangan ng labis-labis na pabagu-bago ng lagay ng loob, malaking mga pagbabago sa pag-aasal, at kawalan ng kaugnayan sa katotohanan.

“Ako ang pinakamasamang ina sa mundo.”

Paano makakatulong ang PANDA

Kung ikaw ay magkakaanak o isang bagong magulang na nag-aalala tungkol sa iyong kagalingang pang-emosyon at pangkaisipan – o tungkol sa isang tao na kilala mo – mahalagang humingi ng suporta. Kung mas maaga kang hihingi ng suporta, mas maaga kang magsisimulang bumuti.

Ang Pambansang Perinatal Mental Health Helpline ng PANDA ay nag-aalok ng libreng pagpapayo at suporta para sa lahat ng bago at magkakaanak na mga magulang.

Ang aming mahusay na sinanay at mapagmalasakit na mga tagapayo sa telepono ay makikinig sa iyong mga alalahanin at tutulungan kang gawin ang unang mga hakbang sa paggaling.

“Kung sasabihin ko sa sinuman ang aking nadarama, iisipin nilang masama akong magulang.”

Pinakamabuting pag-usapan ito

Ang perinatal na pagkabalisa at depresyon ay isang malubhang medikal na kondisyon. Maaari nitong maapektuhan ang sinumang bago o magkakaanak na magulang. Ito ay hindi dapat ikahiya. Mainam na pag-usapan ito. Sa totoo, mas mabuti kung gagawin mo ito!


Ang pagsasabi sa iba tungkol sa iyong mga paghihirap, o pag-amin na kailangan mo ng tulong ay hindi palatandaan ng kahinaan. Nagpapakita ito na gusto mo ng pinakamabuti para sa iyong sarili at sa iyong pamilya.

“Akala ko ay agad-agad kong mamahalin ang aking sanggol, pero ni hindi ko maatim na tingnan siya.”

MGA PALATANDAAN NG PERINATAL NA PAGKABALISA AT DEPRESYON

ANG MGA PALATANDAAN AY MAAARING KABILANGAN NG:

  • Nakadarama ng kalungkutan, kawalang-sigla, o umiiyak nang walang malinaw na dahilan
  • Patuloy, labis na pag-aalala, kadalasan ay nakatutok sa mga pagkatakot para sa kalusugan o kagalingan ng iyong sanggol
  • Ninenerbiyos, 'mayayamutin', o natatakot
  • Madaling mainis o mayamot
  • Lumalayo sa mga kaibigan at pamilya
  • Hirap makatulog, kahit na natutulog ang iyong sanggol
  • Biglaang pabagu-bago ang lagay ng loob
  • Laging nakadarama ng pagkapagod at kawalan ng lakas
  • Mga sintomas na pisikal katulad ng pagduruwal, pagsusuka, pamamawis, kawalan ng ganang kumain
  • May kaunti o walang interes sa mga bagay na karaniwan ay nagpapaligaya sa iyo
  • Takot mag-isa o takot makasama ang ibang tao
  • Nahihirapang magpokus, magtutok ng isip o makaalala
  • Dumadalas na pag-inom ng alak o paggamit ng droga
  • Mga atake ng pagkatakot (matuling tibok ng puso, pagkaba-kaba, pangangapos ng hininga, panginginig o nadaramang walang koneksyon sa kapaligiran
  • Nagkakaroon ng mga pagkahumaling (obsessive) o di-mapigilang pag-aasal (compulsive)
  • Pag-iisip ng kamatayan, pagpapakamatay, o pananakit sa iyong sanggol

Marami pa ring ibang mga sintomas na hindi nakalista dito. Kung ikaw o sinumang malapit sa iyo ang dumaranas ng anumang mga sintomas o damdaming bumabalisa sa iyo nang dalawang linggo o mahigit pa, mangyaring humingi ng suporta.

“Lahat ba ng mga bagong magulang ay ganito kasama ang nadarama?”

Tawagan ang aming Pambansang Perinatal Mental Health Helpline

Telepono 1300 726 306

Lunes – Biyernes 9:00am – 7.30pm AEST/AEDT

Magagamit ang National Helpline ng PANDA sa maraming wika, kabilang ang iyong wika.

Kapag tumawag ka sa helpline ng PANDA, pindutin ang opsyon na “1” na ipinapaalam sa amin na kailangan mo ng interpreter.

Ano ang mangyayari kapag sinagot ang iyong tawag:

Ang iyong tawag ay sasagutin ng isang tagapayo na nagsasalita ng Ingles. Kailangan naming malaman ang iyong piniling wika – hindi mo kailangang magsalita ng Ingles maliban sa pagsasabi sa tagapayo ng iyong piniling wika.

Aasikasuhin ng PANDA ang pagkakaroon ng interpreter at kapag mayroon na, sisimulan na namin ang proseso ng pagsuporta para sa iyo.

Kung walang makukuhang interpreter, tatawagan ka namin pabalik.

Kung kailangan mo ng agarang tulong tumawag sa triple zero (000) o sa departamento ng emerhensya ng ospital sa inyong lugar.

Kung kailangan mo ng suporta sa labas ng mga oras ng Helpline ng PANDA, tawagan ang Lifeline sa 13 11 14.

Ehersisyo sa pagpokus sa kasalukuyan

Ang ehersisyong ito na pagpokus sa kasalukuyan ay dinisenyo upang tulungan kang tumuon sa iyong paghinga.

Ang PANDA ay nag-aalok ng libreng suportang pagpapayo para sa mga buntis at bagong mga magulang

Ang PANDA ay nag-aalok ng libreng suportang pagpapayo para sa mga buntis at bagong mga magulang.

Ang pagbubuntis at pagdating ng bagong sanggol ay naghahatid ng ligaya pati na rin ng mga paghamon.

Kung ikaw ay nahihirapan sa panahong ito, huwag kang matakot humingi ng tulong.

Hindi ka nag-iisa; narito ang PANDA upang suportahan ang iyong kagalingang pangkaisipan.

Maaari mong tawagan ang PANDA sa 1300 726 306 at isa sa aming mga tagapayo ay naroroon upang pakinggan ka. Libre ang mga pagtawag.

O maaari mong bisitahin ang www.panda.org.au.

PANDA National Helpline (Lunes hanggang Biyernes, 9.00 ng umaga - 7.30 ng gabi AEST/AEDT)

Ang PANDA ay maaaring makatulong.
Download

PANDA acknowledges the Traditional Owners of the land where we work and live. We pay our respects to Elders past, present and emerging. We celebrate the stories, culture and traditions of Aboriginal and Torres Strait Islander Elders of all communities who also work and live on this land.

At PANDA, we embrace the power of diversity through inclusion. We strive to foster belonging and empowerment at work. We create relevant messaging and marketing for our diverse consumers. We listen and engage with our diverse communities. And we value collaboration with our diverse suppliers.

Reconciliation Action Plan

Stay in the loop

Stay up to date by subscribing to PANDA's e-newsletter. Containing personal stories, research, inspiration and more.

Sign up
Get support
Expecting a babyNew ParentsGrowing FamiliesDadsLanguages other than English
Registered-charity-logoNSMHS-logo

While PANDA has exercised due care in ensuring the accuracy of the material contained on this website, the information is made available on the basis that PANDA is not providing professional advice on a particular matter. This website is not a substitute for independent professional advice. Nothing contained in this website is intended to be used as medical advice, nor should it be used as a substitute for your own health professional's advice.

1300 number calls from a landline are charged as a standard local call. Calls made to a 1300 number from a mobile is charged accordingly at the mobile carrier rates.

Privacy policyPolicies
Structured Content powered by Sanity.io
© PANDA 2025
Structured Content powered by Sanity.io
Quick Exit Site

How are you going?

Everyone’s experience of pregnancy, birth and parenting is unique and brings different rewards and challenges. Our mental health checklist can help you to see if what you’re experiencing or observing in a loved one could be a reason to seek help.